Umaapela ang Caritas Philippines ng tulong para sa mga pamilya at komunidad na matinding naapektuhan nang malawakang mga pagbaha sa Mindanao.

Ginawa ng humanitarian arm ng Simbahang Katolika sa social media ang kanilang apela sa donasyon para sa mga biktima ng pagbaha sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at sa Bangsamoro.

“The Philippines has been hit by massive flooding in recent weeks, and the people of Mindanao are in desperate need of help,” panawagan ng national Caritas.

“Every little bit helps. Even a small donation can make a big difference in the lives of those affected by the floods,” anito pa.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Anang Caritas Philippines, ang mga donasyong kanilang matatanggap ay gagamitin sa isinasagawa nilang emergency relief efforts, kabilang na ang pagkakaloob ng mga food packs, sleeping kits, hygiene kits, kitchen wares, at emergency shelter kits sa mga pamilyang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa mga pagbaha.

Matatandaang sa mga nakalipas na araw, isang low pressure area (LPA) ang nagdulot ng malalakas at tuluy-tuloy na pag-ulan at malawakang pagbaha sa Mindanao.

Tinatayang aabot sa 214,000 pamilya o 812,000 katao sa naturang limang rehiyon ang naapektuhan ng naturang kalamidad.

Ayon sa Caritas Philippines, ang mga donasyon ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko, partikular na sa Metrobank (632-7-632-02847-0); BDO (00450803419-2); at BPI (4951-0092-24).