Grabehan ang ginawa ng Kapamilya Star-vlogger na si Ivana Alawi matapos niyang mamili ng isang sari-sari store at bilhin ang lahat ng mga paninda rito, as in, lahat-lahat!

Sa kaniyang vlog na "Buying The Whole Store Challenge," lahat ng mga panindang makikita sa tindahan ay binili niya, at ipinamigay sa mga taong nangangailangan.

Bukod sa mga biniling paninda, namigay rin sila ng cash at gift packs para sa kanila para maganda raw ang pasok ng 2024 para sa kanila.

Ang call, isang staff ang kunwari ay magtatangkang mangutang sa nabanggit na tindahan. Kapag pinautang siya, ito na ang tindahang pipiliin nila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama ni Ivana ang kaniyang kapatid na si Mona at madir na si Fatima.

Dahil masyadong marami ang kailangang bilangin ng tindera, nagbigay na lamang ng ₱80,000 si Ivana para sa kabuuang presyo ng mga paninda, plus ₱20,000 para sa kaniya. Ang may-ari kasi ng sari-sari store ay nasa Bicol at nagbabakasyon.

Magaganda ang naging komento ng netizens sa kaniya sa kabila ng pang-iintrigang naispatan daw siyang kasama ni Bacolod City Mayor Albee Benitez sa Japan, Baguio, at Bacolod.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, nali-link kay Bacolod City Mayor Albee Benitez