Marami ang naaliw sa post ng netizen na si Mhabelle Rubia Tioco, 21, mula sa Koronadal City, South Cotabato tampok ang nabili niyang toasted bread na mayroon daw bakas ng yapak ng pusa.

“Furrprint sa toasted bread 😋🥖🐾,” ani Tioco sa kaniyang post sa Facebook group na CATS & KITTENS Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Tioco na binili niya ang naturang tinapay sa kanilang kapitbahay na kinukuha lang din daw sa supplier.

“Bale binibili lang po nila ‘yung mga tinapay sa malaking balot, then binibenta ng ₱5.00 ang isa. Baka po while ‘di pa naluto ‘yung tinapay, may naligaw na pusa, then accidentally naapakan,” pagbabahagi ni Tioco sa Balita.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Baka po while ‘di pa naluto ‘yung tinapay, may naligaw na pusa, then accidentally naapakan ,” dagdag pa niya.

Bilang isa ring cat lover, natawa na lamang daw si Tioco sa nakita niya sa nabili niyang tinapay at kinain din naman ito.

Samantala, habang sinusulat ito’y umabot na sa mahigit 4,700 reactions, 246 comments, at 348 shares.

“Ang cute, parang sarap i-display kung ‘di lang nasisira yang tinapay,” komento naman ng isang netizen sa post ni Tioco.

“Trademark po ‘yan,” hirit pa ng isa.