Sa kabila ng mga bali-balitang prenup daw ang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, pinabulaanan ito ni Asia’s King of Talk Boy Abunda dahil aniya hindi raw ito issue kay Dominic.

Katunayan daw, si Dominic pa raw mismo ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na okay ang prenup.

"'Yong prenup po ay medyo na-shock po ako kasi pagkakaalam ko po, many months ago napag-usapan po ito, and I'd like to confirm this to my friends, my sources, because when this was talked about [prenup], ang nag-volunteer sa nanay ni Bea, na okay ang prenup, ay si Dominic," ani Abunda.

"So I don't think it was an issue unless nabago po 'yong kuwento. So inuulit ko po, it was not a problem because it was not an issue, to be fair to Dominic. It was not an issue for Dom," dagdag pa niya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Kinumpirma rin niya na sa ngayon ay walang magaganap na kasal. Pinabulaanan din niya na hindi sa April at hindi sa Tagaytay magaganap ang kasal. Ang katotohanan daw ay nag-ocular sa Europe sina Bea at Dominic.

Inispluk din ni Abunda na isinauli ni Bea ang engagement ring.

Maki-Balita: Bea Alonzo, isinauli ang engagement ring kay Dominic Roque

Maki-Balita: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na!