Pinabulaanan ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kumakalat na pekeng quote card niya tungkol sa usaping biyenan.

Nakalagay sa naturang pekeng quote card ni Marian ang tungkol sa biyenan.

"Kaway-kaway sa mga swerte sa biyenan! Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sayo at sa mga bata, di sinusulsulan ang mga anak nilang lalake, at mahal ka rin na parang totoong anak niya."

Kaya naman pinabulaanan ito ng aktres.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

"Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!! Nakakarami na po kayo. Tama na!" aniya sa kaniyang Facebook post kalakip ang pekeng quote card.

Gayunman, sa comment section tila marami pa rin ang naniniwala sa naturang quote card dahil maraming netizens ang sumasang-ayon.