Sinagot ni Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Administrator at Chief Executive Officer Katrina Ponce Enrile ang ibinabato sa kaniya ng ilang netizens tungkol sa paggamit umano niya ng iligal na droga noong kaniyang kabataan.

Makikita sa isang Facebook post ng CEZA executive, anak ni Chief Presidential Counsel Juan Ponce Enrile, ang comment ng isang netizen tungkol sa isang balita noong 2016 na may headline na: “High Society High: Enrile Admits Jackie, Katrina Were Drug Addicts In Their Youth.”

Nagbigay naman siya ng tugon sa naturang komento ng netizen.

“The operative word there is I their youth! Old news!” reply niya sa netizen. “Ikaw will you admit anything you did like we have? ”

National

‘I have no idea!’ Bato, wala raw alam sa ‘reward system’ para sa drug war

Base sa laman ng naturang ulat na may petsang Oktubre 25, 2016, isiniwalat ni Juan Ponce Enrile na naging “drug addict” umano ang kaniyang mga anak na sina Katrina Enrile at dating Cagayan representative Jack Enrile noong kanilang kabataan. Ito raw ang isa sa mga dahilan kaya’t sinuportahan niya ang giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, in their youth, yes, a long time ago. But on their own, they gave up,” pag-amin ni Enrile sa naging panayam ni Winnie Monsod sa GMA News noong 2016.

“In the case of Katrina, she just gave it up. She tried it but she just gave it up, when she was a teenager,” saad pa niya.

Samantala, sa parehong Facebook post ni Katrina, nilinaw niya sa isa pang komento ng netizen na hindi siya drug addict.

“And you expect the common Filipino to believe you over Maharlika Network Sass Rogando Sasot and Martin Andanar,” komento ng netizen.

“The operative word there is ‘youth’! Old news! And no I was never a drug addict. I had fun though,” giit naman ng CEZA executive.

Matatandaang noong Mayo 24, 2023 nang italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Katrina bilang administrator at chief executive officer ng CEZA.

Samantala, ang naturang “pagputakti” ng ilang netizens kay Katrina ay matapos niyang igiit na ginagamit umano ni dating Communications Secretary Martin Andanar ang pera ng China para pondohan ang mga vlogger na hayagang pumupuna sa administrasyong Marcos, tulad nina Maharlika at Sass Rogando Sasot.

“I just found out also that Martin Andanar is not based here. He is now based in Beijing. He is the one funding all this disinformation like Maharlika, like Sass. They're doing this because they're getting paid. You want to continue listening to their rants? Go ahead. But I'm just telling you, they're being paid from China," giit ni Katrina kamakailan.

"Fake news," sagot naman ni Andanar sa alegasyon ng CEZA chief.

Si Andanar ay nagsilbi bilang kalihim ng noo’y Presidential Communications Operations Office (PCOO) noong panahon ni dating Pangulong Duterte. Pagkatapos ng kaniyang panunungkulan sa pamahalaan, nakabase na siya ngayon sa Beijing at naging anchor para sa state-run China Global Television Network (CGTN) sa nakalipas na anim na buwan.