Hindi raw mahihirapang makipag-kissing scene ang actor-politician na si Ejay Falcon sa co-star niyang si Beauty Gonzalez.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Sa latest episode kasi ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Pebrero 5, naitanong ni Boy ang tungkol dito.

“May tanong ako. Halimbawa, ang isang kaibigang matalik katulad ni Beauty Gonzalez, when you guys are required na maghalikan, how difficult is that?” usisa ni Boy.

“Hindi naman,” sagot ni Ejay, “parang mas madali nga kasi for example, nagkukwentuhan kami. Kahit sa blocking, nagkukwentuhan pa rin kami.”

“Pero ‘di ba kapag kiss na, syempre maglalapat ang inyong mga labi. I mean, how was it? Walang ilang?” sundot na tanong ni Boy.

“Wala, wala po. Walang ilang,” tugon ng aktor.

“That’s an actor,” reaksiyon pa ng host.

Akala raw kasi ni Boy, mas mahirap ka-kissing scene kapag close friends. Pero ayon kay Ejay, mas mahirap daw ang hindi kilala o kapag may nakaraan ang magkaeksena.

“Medyo feeling ko, doon nagkakaroon ng ilangan,” saad ni Ejay.

Tanong tuloy ni Boy: “So, kanino ka nahirapang magkaroon ng kissing scene? Kanino ka may past?”

Tila hindi naman naging komportable si Ejay sa tanong na iyon ni Boy dahil biglang natigilan ang aktor at ipinakita pa ang suot na wedding ring. Kaya mabilis ding binawi ng host ang kaniyang sinabi.

Anyway, nagbalik-telebisyon na si Ejay at mapapanood na siya kada Linggo, 7:15 pm, sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2” kung saan makakasama niya sina Beauty, Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Dennis Padilla, at iba pa.