Nakakaloka ang mga reaksiyon at komento ng netizens sa ilang pre-loved items na ibinebenta na ni Kapuso Star Carla Abellana sa Instagram.

Sa kaniyang "Carla Abellana's Closet," naka-post kasi ang ilang mga branded pero pre-loved items na ipinagbebenta na niya.

Bukod sa presyo nito, nawindang ang mga netizen dahil kitang-kita raw na lumang-luma na ang ilan sa mga ito, halos may sira na, at marumi pa.

Nasabihan tuloy na "dugyot" si Carla dahil hindi man lang daw nilinis o inayos ang mga ito bago i-post, at nakakaloka raw dahil ang mamahal pa ng presyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mas magaganda pa raw ang mga sapatos o bags na mabibili sa mga tiyangge o ukay-ukay.

May mga nag-iisp pang baka hindi raw si Carla ang nag-post o staff niya, o baka na-hack ang account nito. May mga nagduda ring baka ibang tao ito at ginagamit lang ang pangalan ng Kapuso actress.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Miss Carla wala po bang naka advise na ipamigay nyu nlng mga items na ganyan. Ako yung nahiya hahahahaha"

"Seryoso? Bakit parang lupak na 'yong sa loob ng shoes parang ang dumi-dumi!"

"Sana okay pa si carla🤣🤣🤣🤣"

"What's wrong with Carla. for donations na tong mga benebenta niya. ayaw eh let go nanlillimahid na. 😢 Nakakagulat lang parang ang linis at neat niyang babae, Tapos ganito benebenta niya."

"Bakit ang dudugyot ng mga gamit nya?"

"seryoso ba tong mga posts niya? parang di na okay mga ibang items"

"ay hindi malinis sa gamit.dugyot man ikaw dai carla.ikaw lang yata ung artistang nag bebenta ng gamit na wakaam lang kapwa artistang bumili.super Abused na paninda nyo po."

Samantala, kung titingnan ang Instagram account ni Carla, siya pa mismo ang nag-post tungkol sa kaniyang gawang Instagram account para sa pagbebenta ng kaniyang pre-loved items.

"Posted more items and lowered down their prices! Shop now!" aniya sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Pebrero 5.

Nakasaad naman sa description ng Carla Abellana's Closet, "Shop brand new, never-been-used and pre-loved items from my very own closet!"

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Carla tungkol sa mga pintas na natanggap sa kaniyang mga ibinebentang pre-loved items. Bukas ang Balita sa kaniyang panig