Humanga ang mga netizen sa Facebook post ng isang nagngangalang "Roel Avila" ng Philippine Normal University South Luzon Campus matapos niyang i-flex ang dalawang mag-aaral na sina Dahlia at Janeth Jugueta, na aniya ay kumuha ng degree program para sa Edukasyon, at inaasahang magiging mga kauna-unahang guro sa kanilang ethnic tribe.

Mababasa sa post ni Avila, "Dahlia and Janeth (both Jugueta) dream of becoming the first teachers of their ethnic tribe in the 4th Congressional District of Quezon. They are now students of PNUSL and strive to finish BMSEE and serve their people. God bless these ladies and their plans! Are there still people with good hearts to extend their helping hands?"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

"Good luck to the both of you!"

"Congrats!"

"I'm sure proud ang tribo nila sa kanilang dalawa!"

"Hangad ko ang inyong pagtatagumpay sa pagpupursigi at determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap."

Umabot na sa 3.4k reactions at 1k shares ang nabanggit na Facebook post ni Avila.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!