Usap-usapan ang pag-flex ng social media personality na si Antonette Gail Del Rosario sa mga larawan nila ni Kapamilya Star Andrea Brillantes, kasama ang kaniyang partner na si Whamos Cruz at anak nilang si Baby Meteor, na kamakailan lamang ay pinag-usapan din ang enggrandeng 1st birthday celebration nito sa Okada Manila.

Makikitang kalong ni Andrea si Baby Meteor at mukhang nakipag-collab ang mag-partner na social media personality kay Blythe, sa isang vlog.

Sa comment section naman ng iba't ibang Facebook pages na nag-ulat nito, binalaan ng mga netizen si Antonette Gail na kabahan na raw sa pagdating ni Andrea sa buhay nila ni Whamos.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Ingat ka anthonette baka agawin sayo si whamos."

"Hala kabahan ka na Antonette"

"Mangamba kana tonet pag tinawag kuya c whamos"

"Kabahan kana Antonnete HAHA"

"Ingat ka antonette gail baka nagpapansin yan kay whamoz!"

"Naku antonet kabahan kana"

Matatandaang ini-link at isinangkot si Andrea sa break-up nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla gayundin kina Miles Ocampo at Elijah Canlas noong 2023, subalit nanatiling tahimik lamang ang kaniyang kampo sa kabila ng mga isyung ipinukol sa kaniya.

Kamakailan lamang ay muling na-renew ang kontrata ni Andrea bilang endorser ng isang beauty product na pagmamay-ari ni Glenda Victorio.