How true ang balitang nagkakalabuan na raw ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque?

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Pebrero 2, tinalakay ni showbiz columnist Cristy Fermin ang tungkol sa isyung ito.

Ayon kay Cristy, pinagpipiyestahan daw sina Bea at Dominic ng intriga dahil marami umanong nagtatanong kung matutuloy pa raw ba ang kasal ng dalawa.

Pero sa pananaw ni Cristy at ng co-host niyang si Romel Chika: “Ang bawat ikinakasal po, may tinatawag na wedding jitters. Mayroon pong wedding blues na tinatawag. Kasi napakatindi po ng tensyon. ‘Yong paghahanda, ‘di ba, Romel?”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

“Oo, Nanay,” sang-ayon ni Romel, “kaya po talagang ako hindi ko […] maiisip na hindi matutuloy ang kasal kasi talagang nakita mo kung paano sila nagmahalan. Porke nawala lang ‘yong singsing? Diyos ko, ang dami-daming espekulasyong naglalabasan!”

“Saka alam mo, ‘yong kanilang pagpapalitan ng singsing, minsan ‘di naman talaga ginagamit ni Bea ‘yon, e. Kahit sa taping, sa shooting, at kahit saan paminsan-minsan makikita natin talagang hindi niya ginagamit,” saad ni Cristy.

“Hindi naman porket hinubad niya ‘yong singsing e hindi na tuloy ‘yong kasal,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Napanood ko ‘yong video nila. ‘Yong sa vlog ni Bea, ‘yong sa Japan. Aba, pinagtaling-puso na nga nila ang kanilang sarili. Pinadlock na nila. Sabi pa nga ni Bea, ‘hindi po namin ipapakita ‘yong date sa likod kasi ‘yon ang wedding date namin.’”

Kaya sa huli, iginiit ni Cristy ang nauna nilang hinala ni Romel na baka nga may wedding jitters lang talaga ang dalawa.

Matatandaang Hulyo pa noong nakaraang taon nang mag-propose si Dominic kay Bea. Pero bago pa man mangyari ang lahat, madalas na raw pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa pagpapakasal.

MAKI-BALITA:  Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!

MAKI-BALITA: Bea Alonzo at Dominic Roque, madalas nang pinag-uusapan ang ‘pagpapakasal’