Nagpakawala ng patutsada ang Kapuso comedy star-TV host na si Pokwang sa bashers na nagsasabing dapat daw ay huwag na siyang bitter at mag-move on na, kaugnay ng hiwalayan nila ng dating partner na si Lee O'Brian.

Sa kaniyang Instagram story, sinabi ni Pokwang na dahil daw sa kaniya, maraming single mothers ang nagkalakas-loob na kasuhan o ireklamo rin ang kanilang dating mga asawa.

Marami raw ang nagpapadala ng mensahe sa kaniya at hinihingi ang numero ng kaniyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan.

Nasusulat, "ngayon nyo sabihin sakin na bitter ako, mag move on na ako! sa dami ng nag ask ng number ng lawyer ko mga single mom karamihan magsasampa din ng kaso sa mga ex nila! so ano yon? ano tawag don? sige invalidate pa more!"

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Kaugnay ng isinampang deportation case laban kay O'Brian, humingi ng paumanhin si Pokwang sa pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) at Department of Justice (DOJ) kung nakapagbitaw man siya ng mga hindi kaaya-ayang salita laban sa kawanihan at kagawaran dahil sa bugso ng kaniyang damdamin.

Nabalitaan daw niya kasi na nag-file ng motion for reconsideration at motion for voluntary deportation ang dating partner, bagay na ikinangitngit ng komedyana.