Hindi na raw matandaan ng komedyanteng si Dennis Padilla kung kailan sila huling nagkita ng kaniyang anak na si Julia Barretto, ayon sa kaniyang latest Instagram post.

"Dearest Juy... Hindi ko matandaan kailan tayo huling nagkita...Always praying for more blessings... Good luck sa new movie mo... 🙏❤️," ani Dennis sa anak na bibida sa pelikulang "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" katambal si Aga Muhlach.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Nakasarado ang comment section nito kaya walang kahit na sino ang nakapag-react sa kaniyang post, subalit makikitang nasa 2,818 na ang nag-heart react sa nabanggit na post.

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa nakakausap at nakakaharap ni Dennis ang mga anak sa dating misis na si Marjorie Barretto, na sina Claudia, Leon, at Julia.

Pero noong 2020, hindi sinasadyang nagkita ang mag-ama sa isang area.

"Miss you anak!! Love you!!!@juliabarretto@Julia@danibarretto," anang Dennis sa kaniyang Instagram post, na nag-request pa sa anak na i-promote ang pelikula nilang 'PAKBOYS: Takusa."