Sinagot ni Julia Barretto ang mga intrigang todo-iwas daw siya sa promotion at pagdalo sa media conference ng kanilang pelikulang "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko" na unang pagtatambal nila sa pelikula ni Aga Muhlach under Viva Films.

Sa panayam ng News 5 na inulat ni MJ Marfori, pinabulaanan ni Julia na hindi niya bet mag-promote at umiwas siya sa presscon dahil sa mga okray na natatanggap nila, dahil masagwa na raw tingnan si Aga na ipartner sa leading ladies na bata-bata pa sa kaniya.

Sey naman ni Julia, iyon kasi naman talaga ang hinihingi ng istorya, dahil "May-December" talaga ang mangyayari sa mga karakter nila.

Ina-acknowledge naman daw ni Julia ang feedback ng mga tao tungkol sa kanilang pelikula. Pakiusap lang niya, sana raw bigyan ng chance ng mga manonood ang pelikula nila, na handog naman nila sa Filipino viewers.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Hindi naman nabanggit sa panayam kung bakit nga ba hindi nakadalo sa presscon ng pelikula si Julia.

MAKI-BALITA: Di raw bagay? Netizens napa-yuck kina Aga at Julia