Malapit na naman ang pagdiriwang ng Valentine's Day, at para sa mga mag-asawa at may partner, siyempre ay bahagi na ng kanilang "pagpapadama" ng kanilang pagmamahal sa isa't isa ay ang "loving-loving."

Upang mas malasap ang sarap ng pagsasama, maraming klase ng mga "pampadulas" upang maging mas "suwabe" ang paggaod. Sinasabing ang ari ng babae ay may natural at may kakayahang mag-self lubricate kapag mahusay na nakakalabit ng kaniyang partner ang sensasyon ng kanilang ginagawa. Pero paano kung hindi ito mangyari?

Photo courtesy: Freepik

Well, maraming nagkalat na water-based, oil-based, o silicone-based sex lubricants sa mga botika, convenience store at department store. Kung pasok naman sa budget, mas mainam na bumili nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Narito ang ilang mga alternatibong pampadulas na kadalasang ginagamit ng mga mag-partner lalo na kung "biglaan" ang pag-aaya, o kaya naman ay kapos sa budget para bumili nito.

1. Lotion

Photo courtesy: Freepik

Kung may lotion naman, lalo na ang body and hand lotion na karaniwang mayroon ang isang babae, maaari umano itong ilagay sa naghuhumindig na ari ng lalaki; bukod sa dumudulas na ang sandata, dagdag pa sa foreplay ang mismong paglalagay nito. Bilisan lamang at baka matuyo kaagad.

2. Petroleum jelly

Photo courtesy: Freepik

Ang ilan ay gumagamit ng petroleum jelly na mabisang panlapat sa dry lips at skin, subalit hindi ito inirerekomenda lalo na kapag may suot na condom. Maaari daw itong makasira sa condom habang isinasagawa ang "bakbakan," kaya puwedeng magdulot ng impeksiyon o kaya naman, unwanted pregnancy.

3. Tubig

Photo courtesy: Freepik

Siyempre, bilang "universal solvent" ay pasok na pasok talaga ang tubig bilang lubricant. Pero medyo hassle ito dahil kung medyo sabik na sabik na sa isa't isa, baka mamaya niyan, basa na pala ang buong kama. Ang ginagawa ng iba, sa loob ng palikuran habang naliligo o nagsha-shower para mas exciting!

4. Laway

Kung wala ang mga option na nabanggit, pinakapopular at pinaka-available na lubricant ay mismong laway ngunit bilisan lamang dahil mabilis itong matuyo.

Please lang, hangga't maaari, huwag gumamit ng ibang likidong produkto gaya ng langis, gasolina, mantika, juices, condiments, chocolate syrup, at iba pa dahil baka naman magkaroon ng impeksiyon sa sensitibong bahagi ni bebeloves at baka mag-break kayo nang wala sa oras, pero ang iba diyan, puwede mong gamitin sa foreplay, ikaw na bahalang dumiskubre, basta maglinis lang pagkatapos ha!

Photo courtesy: Freepik

Mahalaga ang foreplay dahil magiging mas natural ang paglabas ng vaginal fluids kaya mas magiging madulas na talaga ang paglabas-masok. Kaya dapat, huwag magmadali, namnamin ang moment, at kahit mabagal ang foreplay, iparamdam ito sa iyong partner para sabay ninyong maabot ang langit.

Isa pang bagay, laging tatandaan, gumamit ng proteksyon upang makaiwas sa mga sakit at impeksiyong maaaring makuha mula sa pakikipagbakbakan.