Pinagsabihan ni showbiz insider Ogie Diaz ang isang young singer-actor na nagpapadala raw ng maseselang video sa natitipuhan niyang lalaki.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Enero 29, iniulat ni Oige ang tungkol sa nasabing blind item.

Ayon kay Ogie, guwapo, maganda ang boses, at magaling pang sumayaw ang young singer-actor na tinutukoy niya.

“Gusto ko lang sabihan ‘tong bagets na ‘Anak, kapag ikaw ay medyo nagkaka-type ng isang tao, e, baka huwag kang mag-send ng mga maseselang video habang ikaw ay nilala-laro mo ‘yang kargada mo,” saad ni Ogie.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Pang-engganyo niya doon sa ka-text niya. Kasi type niya ‘yon, e. Minsan, wala naman ‘yong ulo niya sa taas. So, ‘yong ulo niya sa lower portion ang nasa-sight,” aniya.

Kaya sabi ni Ogie: “Naku, iwasan mo ‘yan. ‘Pag ‘yan nakagalit mo, Diyos ko, kakalat ‘yang video mo, anak. ‘Pag ‘yan nakarating sa amin, ilalarawan namin dito ‘yan. E, ‘di namin mailarawan dito kasi ‘di pa namin nakikita…Kaya please, huwag ka nang magse-send ng ganoon.”

“Kanino ba sine-send?” tanong ng co-host niyang si Mama Loi.

“Sa kapuwa niya,” natatawang sagot ni Ogie, “sa kapuwa niya mahal ko.”

Nang hingan pa si Ogie ng ibang clue, ang sinabi lang niya ay bukod sa kumakanta at sumasayaw, umaarte rin umano ang tinukoy na bagets.

“Basta, ganoon na lang na clue. Hindi ko kayo mabibigyan ng kongkretong clue. ‘Yong as in buong-buo,” saad pa niya

‘Yon na ba ‘yong clue?” usisa pa ni Mama Loi.

Pero sa halip na sumagot, binitawan na ni Ogie ang closing line niya sa kaniyang showbiz-oriented vlog para magpaalam.