Muling itinanggi ng Phillippine National Police (PNP) na may namumuong destabilization plot sa kanilang hanay.

“Kung ano man 'yung mga naririnig natin ay let us be cautious sa mga naririnig natin na mga bali-balita but on the part of the PNP wala tayong namo-monitor na any destabilization plot or even 'yung coup d'état,” ani Fajardo.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Binalaan na aniya ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang mga opisyal nito na huwag makisawsaw sa politika.

“Alam natin 'yung ating mandato at mananatili tayong maipatupad ang ating tungkulin at kasama na diyan 'yung pag-uphold at pagrespeto sa rule of law," ani Fajardo.

Inilabas ng PNP ang pahayag kasunod na rin ng babala ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na posibleng matulad si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa sinapit ng ama nitong si Ferdinand Marcos, Sr. na pinatalsik ng taumbayan sa pamamagitan ng People Power Revolution noong 1986.

Nitong Enero 28, lumahok si Duterte sa prayer rally sa Davao City bilang pagtutol sa pag-amyenda ng Saligang Batas na isinusulong ng mga kaalyado ni Marcos sa Kamara.