Tila hindi raw nakapagtimpi ang aktres na si Kylie Padilla dahil sa lumitaw na fake news tungkol sa kaniyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Enero 30, iniulat ni showbiz columnist Cristy Fermin na may nagpakalat umano ng kuwento na sinabi raw ni Kylie na may mga anak daw na hindi sinusustentuhan si Aljur at kung ano raw ang ikinalaki ng katawan nito ay kabaligtaran naman daw ng utak nito. 

“Unang-una po, hindi niya iba-bad mouth ng ganyan ang ama ng kaniyang mga anak kaya siya ay umalma talaga. ‘Ano ba naman? Hindi na nga naman ako kumikibo,’ sabi niya,” saad ni Cristy.

“E, alam n’yo naman po ang dami-dami talagang mga poser ngayon, ‘di ba. Ang daming mga fake news na naglalabasan. Iko-quote sila tapos hindi naman totoo. Mga video nga na kinalkal pa noong araw palalabasin na napapanahon,” aniya. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa niya: “Nag-usap naman sila at nagbibigay naman ‘ata ng sustento itong si Aljur di ba? Co-parenting naman sila. E, bakit niya pa sasabihin na, ‘Naku, kung alam n’yo lang.’ Saka double-bladed ‘yon, ha. ‘Kung alam n’yo lang na kung gaano ang laki ng kaniyang katawan ay ‘yon naman ang ang liit ng kaniyang…’ O, di ba?”

Malabo raw itong sabihin ni Kylie ayon kay Cristy dahil unang-una ay hindi umano maganda para sa isang babae ang magsalita ng ganoon. Bukod pa rito, ama si Aljur ng kaniyang mga anak. 

Saka tila masaya na rin naman ang dalawa sa kani-kanilang buhay matapos ang kanilang hiwalayan. 

Matatandaang kamakailan lang ay ibinunyag ni Kylie kung sino ang “mystery man” na kasa-kasama niya sa mall. 

MAKI-BALITA: Kylie ibinunyag kung sino ang ‘mystery man’ na kasa-kasama sa mall