Lumago ng 5.6 porsyento ang ekonomiya ng bansa nitong huling tatlong buwan ng 2023, ayon sa Philippine Statistics Office (PSA).

Sinabi ng PSA, mas mababa ito kumpara sa naitalang 5.9 porsyentong Gross Domestic Product (GDP) noong 3rd quarter ng 2023 at 7.1 porsyentong growth rate sa kaparehong panahon noong 2022.

Nilinaw ng ahensya, kapos din ito sa puntirya ng pamahalaan na mula 6 porsyento hanggang 7 porsyento na paglago noong 2023.

Kabilang sa mga sektor na na may malaking tulong sa pag-angat ng ekonomiya sa huling bahagi ng 2023 ang financial at assistance activities, wholesale at retail trade, repair ng motor vehicles at motorcycles, at construction.

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

Sa kabila nito, positibo pa rin ang National Economic and Development Authority (NEDA) na lalo pang aangat ang lagay ng ekonomiya ng bansa na maituturing na isa sa mga 'best performing economies’ sa Asya.

Idinagdag pa ng NEDA, umangat pa rin ang GDP ng bansa kumpara sa naitalang 5.2 porsyento ng China at 3.4 porsyento ng Malaysia sa huling tatlong buwan ng 2023.