Hindi makapaniwala ang Kapuso actress na si Katrina Halili nang pumanaw ang kaniyang boyfriend na si dating Wao, Lanao Del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab.

"Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie😭 bakit iniwan mo kami😭💔💔💔," caption ni Katrina sa kaniyang Instagram post tungkol dito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

View this post on Instagram

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

Ayon sa ulat, inatake sa puso si Guiab dakong 5:00 ng hapon noong Enero 28, habang nasa bahay nila ni Katrina.

Naisugod pa ni Katrina sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City ang partner subalit binawian din ito ng buhay.

Kinumpirma ng kapatid ni Jeremy na si Quezon City Councilor Don De Leon ang pagpanaw ng kaniyang kapatid sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post.

"My best friend, my brother, my confidant and partner. Jeremy G. Guiab succumbed to a fatal heart attack at around 5:00 PM today. Together with his family, we ask for prayers, for his soul’s eternal rest with our Lord. A precious life gone too soon. Wake details to follow," aniya.

Sa isa pang IG post ay idinetalye ni De Leon kung saan ilalagak ang mga labi ng kapatid para sa lamay.

"Change of plans regarding Jeremy’s wake. He will remain at Arlington unti Feb 1. Pls help spread the word. Apologies. 🙏," aniya.

Si Jeremy ay pumanaw sa edad na 53.

Si Katrina ay may anak na si Katie sa ex-boyfriend na singer na si Kris Lawrence.

Noong Hulyo 2023, sinabi ni Katrina na may nagpapatibok at nag-aalaga na sa kanila ni Katie, subalit hindi na niya dinetalye kung sino.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Katrina sa "Black Rider" na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA Network.