Nagbigay ng komento ang aktres na si Carmina Villarroel kaugnay sa isyu ng pagiging pakialamera daw niya sa buhay ng kaniyang kambal. 

Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Linggo, Enero 28, inusisa niya si Carmina tungkol sa bagay na ito.

“Bakit naging isyu ang pakialamera, e, normal na sa parents ‘yon?” tanong ni Ogie

“I don’t know kung saan ‘yan nanggaling. Ako, hindi naman ako affected. Hindi ko nga ginagamit ‘yong word na ‘pakikialam.’ Kasi tayo bilang mga magulang, of course we care for our children. We love our children,” pahayag ni Carmina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“So, gina-guide natin sila. Gagabayan natin sila. Kung may mali silang ginagawa, itatama mo. Ngayon kung may tama silang ginagawa, pupurihin mo at sasabihin mo ‘Anak, ipagpatuloy mo ‘yan.’ That’s not pakikialam,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “Parang gan’to, ikaw ba ‘pag may nanakit sa anak mo dedma ka? ‘Di ba hindi? O, ngayon ‘pag may nanakit sa anak mo at dinefend mo, nakikialam ka na? ‘Di ba hindi rin? Kasi syempre normal reaction ‘yon.”

Nang tanungin naman si Carmina kung bakit siya nagkakaganoon, inamin niya kay Ogie na may nanakit daw sa kaniyang anak emotionally. 

“Pero alam alam ko naman kasi…kung ano ‘yong totoo. Alam ng mga anak ko kung ano ‘yong totoo. So, masakit hindi dahil totoo. Masakit kasi pinagbibintangan sila,” saad pa niya.

Wala namang binanggit na pangalan si Carmina kung sino sa dalawang anak niya ang nasaktan emotionally.

Pero matatandaang umugong ang balita noong Nobyembre 2023 na hiwalay na ang anak niyang si Mavy Legaspi at jowa nitong si Kyline Alcantara dahil sa cryptic post ng huli.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin

Tila nagbigay naman ng reaksiyon si Carmina sa bulung-bulungang ito sa pamamagitan ng X posts.

MAKI-BALITA: Carmina may mensahe sa kambal; reaksiyon sa Mavy-Kyline breakup rumors?