Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging pag-urirat ni Carmina Villarroel sa Sparkle artist na si Michael Sager kung posible ba itong ma-fall sa anak niyang si Cassy Legaspi.

Bumisita kasi si Michael sa talk show ni Mina kasama ang kambal niya na "Sarap 'Di Ba?" noong Enero 27 at sumalang sa hot seat question ang aktor.

"Is there a chance na ma-fall o magkagusto ka kay Cassy?" untag ni Carmina.

Napa-"Ohhh..." na lamang si Cassy nang marinig ang tanong ng ina.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sagot ni Michael, si Cassy raw ay very friendly at mabait, pero sansala ng ina, hindi raw iyon ang tinatanong niya.

Dahil hindi makasagot nang diretso si Carmina, siya na ang sumalo sa aktor.

"Oo, alam kong oo. May chance siya na ma-fall. Tama o mali?"

Sumagot si Michael ng "Trot (truth)."

Sundot naman ni Carmina, tama lang daw na oo ang sagot ni Michael dahil baka mainsulto naman ang mother (siya) kung hindi ang sagot nito.

"Parang... ano bang hindi mo magugustuhan sa anak ko, hello?

Sey naman ng mga netizen, tila "walang respeto" raw si Mina sa naging tanong daw niya, dahil alam naman daw niyang may iba't ibang "special friends" na ang dalawa.

Si Cassy ay nauugnay kay Kapamilya actor-singer Darren Espanto habang si Michael naman ay kay Kapuso singer-actress Zephanie Dimaranan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

"Lahat na lang… Michael better stay away, mga nala-loveteam sa kambal na yan lumawlaw mga Career."

"Grabe yung disrespect"

"Wlang respito c carmina dba jowa nyan c zephanie nku2 mother knows best huy best k dyan"

"Respeto kay D. Yung nanay pa talaga nag engganyo na parang mag cheat si anak, kababaeng tao."

"ouch masasaktan c darren nyan.. dapat carmina hindi ganyan.. ang anak mo ang may alam kng sino mahal nya d. ikaw"

"bakit parang shiniship ni mina sa anak niya, eh 'di ba may mga special someone na sila?"

"Pano na c Darren Espanto?"

"Alam nman nilang may zephanie na eh...feeling nman ni carmina."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Carmina tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.