Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng hapon, Enero 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:37 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 133 kilometro ang layo sa hilangang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 29 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.