Nagulat ang aktres na si Gladys Reyes sa sagot ni Optimum Star Claudine Barretto kung payag daw bang makasama nila sa isang proyekto sina Judy Ann Santos at Angelu De Leon.

Kasama kasi si Claudine sa mga dumalong celebrity sa pagdiriwang ng 20th wedding anniversary nina Gladys at Christopher Roxas.

Hiniritan daw ni Gladys si Claudine kung sakaling papayag ito na magkasama-sama sila sa isang pelikula nina Juday at Angelu.

Diretsahang sinabi raw ni Clau na "No."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"No. Ako, Gladys Reyes at Judy Ann Santos," sey daw ni Claudine.

Shookt naman si Gladys sa naging tugon ni Claudine.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang 'yon. Hindi ako suplada, maldita ako... huwag lang si Angelu, alam niya 'yon."

Sa latest episode ng "Cristy Ferminute" nitong Lunes, Enero 29, sinabi ni Cristy na talagang imbyerna si Claudine kay Angelu dahil dalawang beses na raw siya nitong binanatan.

Ang una raw dito ay tungkol sa away-magkakapatid ng mga Barretto, na iniisip ni Claudine kung bakit nangingialam ito gayong hindi naman siya kasali.

"Ang punto ni Claudine, kung hindi ka kasali, huwag kang makisawsaw," anang Cristy.

Hintayin na lang daw ang sey ni Angelu na sadyang tahimik lang daw talaga pagdating sa mga isyu.