"Ibinunyag" ng direktor na si Darryl Yap ang posibleng pinag-uusapan nina Sen. Imee Marcos at Vice President Sara Duterte habang sila ay nasa Davao City sa naganap na leader's forum doon.

Sinare ni Yap sa kaniyang Facebook post ang mga kuhang larawan ng dalawa habang nagkukuwentuhan.

"❗️❗️❗️EXCLUSIVE❗️❗️❗️ see caption for conversation. naglagay kasi ako ng lapel sa monoblocs," hirit ng direktor na malapit sa senadora at tagasuporta ni VP Sara.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Naglagay ng caption si Yap sa dalawang larawang kalakip ng kaniyang post.

Sa unang larawan, mababasa ang "gawa-gawa" niyang usapan ng dalawa na "Imee: yun na nga 16 Million nga boto ko nung 2019, Ikaw, 32 Million, mas mataas pa kay Pangulo… eh siya nga 180,000 lang, gusto nyang manduhan ang bansa eh hindi naman siya kilala ng tao."

Sa pangalawang larawan naman, "Inday Sara: Ayun na nga ang sinasabi ko… Paulit-ulit pa sya ng sinabi na siya ang campaign manager ko—kailangan ko pala?"

Sa comment section, sinabi ng direktor na nagbibiro lamang siya.

"charot lang. baka si Taylor Swift pinag-uusapan nila."

Samantala, pansin naman ng mga netizen na parang bagay raw magkasama o magkapartner ang dalawang babaeng lider.

May mga nagsabi pang sila ang next President at Vice President ng bansa.

Matatandaang "kampi" si Sen. Imee sa mga Duterte na kasalukuyang nakakabatuhan ng maaanghang na pahayag at salita sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.