Mukhang may namumuong "bagyo" sa pagitan ng showbiz columnist na si Lolit Solis at Kapuso actress na si Kyline Alcantara, kaugnay ng pakikipaghiwalay nito sa jowang si Mavy Legaspi.

Sa kaniyang mahabang Instagram post, nakarating daw sa kaalaman ni Lolit na nadadamay sa isyu ang alaga niyang si Paolo Contis.

Kaya naman bilang talent manager, pinalagan niya ang mga tsikang "bad influence" daw si Paolo kaya nakipaghiwalay si Kyline kay Mavy.

Sina Paolo at Mavy ay magkasama sa noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" ng TAPE, Inc. na umeere sa GMA Network.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

MAKI-BALITA: Paolo kaladkad sa hiwalayan kay Mavy: Kyline, tinalakan ni Lolit

Kaya naman may babala si Lolit kay Kyline.

"I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan."

"So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya. Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah," anang showbiz columnist at talent manager.

Samantala, tahimik pa sa isyung ito sina Kyline, Mavy, at maging si Paolo. Bukas ang Balita sa kanilang panig.