Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Enero 28, na dadalo siya sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino Grandstand, maging sa prayer rally laban sa Charter Change (Cha-Cha) na gaganapin naman sa Davao City.

“Mga kababayan, dadalo po ako sa Bagong Pilipinas Kickoff Rally sa Quirino Grandstand sa Manila,” ani Duterte sa isang pahayag nitong Linggo, Enero 28.

“Kaisa ang buong Department of Education sa pagsusulong ng 8-point Socioeconomic Agenda ng Marcos administration para sa pagbabago ng buhay ng mga Pilipino,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang ginaganap ang Bagong Pilipinas rally, na nagsimula dakong 2:00 ng hapon.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Samantala, bukod sa naturang rally ay sinabi rin ng bise presidente na kasama rin siya sa prayer rally ng iba’t ibang sektor sa Davao City laban sa isinusulong na Cha-cha na gaganapin din nitong Linggo.

“Mahalagang makita at maintindihan natin ang panganib na nakaamba sa atin oras na tuluyan nating isinuko ang ating Saligang Batas sa kamay ng mga taong may personal at politikal na interes,” ani Duterte.

“Manindigan tayo laban sa pagbabago sa ating Saligang Batas sa pamamagitan ng ‘Pera kapalit ng pirma para sa People’s Initiative’,” saad pa niya.

Matatandaang naglabas din ng pahayag si Duterte kamakailan hinggil sa kaniyang pagkondena sa mga politiko umanong namimigay ng pera sa taumbayan kapalit ng kanilang pirma para sa People’s Initiative (PI) at Cha-cha.

MAKI-BALITA: VP Sara, kinondena mga ‘bumibili ng pirma’ para sa PI, Cha-cha

Ilang mga senador, kabilang na sina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Imee Marcos, ang nagsabing si Romualdez ang nasa likod ng PI campaign.

MAKI-BALITA: Bato, iginiit na si Romualdez nasa likod ng PI campaign; House speaker, umalma!

MAKI-BALITA: Imee, ipinagdiinang si Romualdez umano ang nasa likod ng PI campaign

Iginiit naman ng House leader na hindi raw totoo ang naturang mga akusasyon.

MAKI-BALITA: Romualdez sa akusasyon ni Imee: ‘Nagma-marites siguro siya’