Hinahanap ng mga netizen si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa line-up ng celebrities na guest sa isasagawang "Bagong Pilipinas" kick-off party sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila ngayong hapon ng Linggo, Enero 28.

Si Toni ay isa sa celebrities na nagpakita ng buong suporta sa kandidatura ng UniTeam noong nagdaang presidential at vice presidential elections.

Sa lahat din ng mga artistang nagpakita ng pagsuporta kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., siya ang pinakamalalang naputukan ng ngitngit ng mga "Kakampink" na tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo, at makatanggap ng malalang pag-cancel.

Sa inilabas na listahan ng mga celebrity na magpe-perform dito, wala ang pangalan ni Toni.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Kaya naman napatanong ang mga netizen sa X kung bakit wala siya, at kung hindi ba siya ang magiging host nito.

"Where is Toni Gonzaga?" sabi ng isang alter account sa X.

https://twitter.com/_rainbowfighter/status/1751309737592074454

"Baka naman surprise haha."

"Baka hindi pa puwede kasi kapapanganak lang, baka mabinat."

"Noong isang araw o kahapon yata nag-guest pa siya sa Eat Bulaga ah."

Makikita sa Facebook page ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga celebrity na kasama sa listahan ng performers sa nabanggit na kick-off party.

MAKI-BALITA: Celebrities na magpe-perform sa Bagong Pilipinas kick-off rally, pinangalanan

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Toni tungkol dito.

MAKI-BALITA: Toni Gonzaga, inulan ng kritisismo matapos ang panayam kay BBM