Hindi rin nakaligtas ang Kapuso actress na si Rita Daniela sa mga puna at batikos ng mga netizen sa X.

Ito ay matapos mapabilang si Rita sa listahan ng mga guest performer para sa gaganaping “Bagong Pilipinas” kick-off rally nitong Linggo ng hapon, Enero 28, sa Quirino Grandstand.

Hindi kasi inasahan ng ilang netizens na pati siya ay magiging bahagi ng nasabing event. Akala pa nga raw nila ay isa siyang Kakampink. Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

“4th impact + Ken Chan 😔”

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

“Kahit si Rita Daniela, marse alam ko talaga kakampink sya di ko alam anyare baka dala ng pangangailangan”

“Sabi ko na nga ba hindi talaga kakampink si Rita Daniela. Isa siyang BBMer trewwww”

“From the start i dont like her Rita Baraccuda. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”

“hindi ako nagtaka kung #MarcosLoyalist si #RitaDaniela dahil ang lolo nito si teroy de guzman. karamihan sa mga artista noon supporter ng dictator marcos sr. pero si #KenChan, maka-marcos din. ilan sa mga inakalang kong matalino ay supporter ng mga corrupt. #BagoongPilipinas”

“RITA DANIELA NO

“Ms. Rita Daniela?????? Goodbye”

“Mygad Ken Chan at Rita Daniela. Mga bwakanang shet! Bat kayo nanjan🙄🥴😵”

“Rita Daniela, whyyyy? 😭💔”

“Rita Daniela niyo, Lugalista 🤣🤣🤣”

“why is rita daniela there? 😭😭😭😭”

“Did not expect Rita Daniela to be here.. (sad)”

“I didn't expect Rita Daniela to be there.”

“Yuck. Ken Chan pati Rita Daniela. Sabagay, napaka offensive ng acting ni Ken Chan against people with mental health.”

"talaga #RitaDaniela at #KenChan! gipit na gipit ba kayo sa buhay? pinatulan ninyo ang #BagoongPilipinas ng marcos junior? mga enabler kayo ng katiwalian at kasinungalingan. sorry. cancel na kayo sa akin. #CancelRitaDaniela #CancelKenChan @gmanetwork"

"Rita Daniela, Ken Chan gaano kayo kagipit para patusin ito? YOU ARE BETTER THAN THIS. Hindi ito trabaho lang 😭"

"Rita Daniela, bakit? (sad) Sad ako kasi I love her."

Sa kasalukuyan, wala pang anomang pahayag o tugon si Rita para kumpirmahin o pabulaanan ang paratang ng mga netizen na nagigipit siya.

Bukod pa rito, wala ring lumabas na ulat tungkol sa bet na presidential candidate ng aktres noong nakaraang halalan.

Samantala, narito ang buong listahan ng iba pang guest performers na kabilang sa nasabing kick-off rally.

MAKI-BALITA: Celebrities na magpe-perform sa Bagong Pilipinas kick-off rally, pinangalanan