Tila uminit daw ang ulo ni Lolit Solis sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara nang mabalitaan niyang nadadawit ang kaniyang alagang si Paolo Contis sa pinag-usapang hiwalayan ng una at TV host-actor na si Mavy Legaspi, na isa sa mga anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post, hindi raw niya matitiis na may mag-bad mouth sa kaniyang alaga, lalo't wala naman itong kinalaman sa break-up.

"Salve uminit ulo ko ng marinig iyon tsismis na isinasali ang pangalan ni Paolo Contis sa break up nila Mavy at Kyline. Dahil daw sa bad influence ni Paolo kaya nakipag break up si Kyline kay Mavy. Wow ha, talagang dapat masali ang ibang tao pag nagbi break kayo ? I have zero respect for people na nagba bad mouth sa mga naka relasyon nila after a break up. Dapat pag hiwalay kayo, no bad blood. Tanggapin mo at mag move on ka," anang Lolit.

"Lagi ko ina appreciate na after a long time ng manager/ talent relationship namin ni Gabby Concepcion wala kang narinig na sinabi niyang masama o pintas sa akin. In the same way na hindi rin ako nagsalita ng bad things about Gabby. Na maintain namin iyon respeto namin sa bawat isa. For that I am very grateful. Kaya shock ako na sa break up nila Kyline at Mavy may mga kadamay na pangalan na binabanggit."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa dulo ay nagbigay ng babala si Lolit kay Kyline.

"I don’t want to have a fight with Kyline, but I am giving her a warning na kung tutoo ang mga narinig ko na sinasabi niya about Paolo Contis she will never hear the end of it from me. Kung mali ang alaga ko tinatanggap ko at pinangangaralan sila, pero pag siniraan mo sila ng walang basehan, mag ingat ka dahil hindi kita uurungan."

"So be careful Kyline Alcantara, huwag mo idamay si Paolo Contis sa mga hanash mo kay Mavy Legazpi. Kung may problema kayo, i settle nyong dalawa at huwag magdamay ng ibang tao. Or else, I will do my part as Paolo Contis manager/ nanay para ipagtanggol siya sa mga maling bintang sa kanya. Maging fair tayo sa mga bagay na dapat mangyari. Walang siraan sa mga taong inosente. Salve at Gorgy, iyan ang stand ko, bongga di bah👍#classiclolita."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kyline at Paolo tungkol dito.