Mas hihigit pa ang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng mamamayan sa ilalim ng Bagong Pilipinas initiative, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“For this I pledge, government will neither ask the people for sacrifices it will not exact first upon itself, nor impose a burden that is heavier than what people can carry,” paliwanag ng Pangulo nang pangunahan ang kick-off rally para sa Bagong Pilipinas campaign sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Hinikayat din ni Marcos ang mga opisyal ng pamahalaan na tulungang maipatupad ng kanyang administrasyon ang kinakailangang bureaucratic reforms.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“Sa Bagong Pilipinas, ang pagbabago ay nagsisimula sa pamahalaan. While power emanates from the people, change must begin from the government. Kaya naman, ito ang aking mga mahigpit na tagubilin sa mga kawani ng gobyerno,” anang Pangulo.

Binigyang-diin din ni Marcos na dapat na mabilis ang serbisyo, matapos sa tamang panahon ang mga proyekto at tugunan sa lalong madaling panahon ang mga distress call.

Aniya, dapat ding mawala ang red tape at mapalitan ng red carpet treatment at simplehan ang requirements upang hindi mahirapan ang mga aplikante.

Nangako rin si Marcos na lalabanan nito ang korapsyon at maluhong gastos sa pamahalaan sa ilalim ng 'Bagong Pilipinas.'