Binalikan ni Atty. Glenn Chong ang sinabi niya sa isa sa kaniyang post patungkol kay First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa ginaganap na “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28, sinabi ni Chong na binalaan umano niya si Liza na kakaladkarin papuntang impyerno kapag tinake-down nito ang kaniyang social media account.

“Tingnan ninyo, tinake-down nila ‘yong dalawang accounts ni Maharlika. Tinake-down nila ‘yong account ni Sass,” lahad ni Chong.

“But pinost ko ‘to…’Don’t dare take down my account. Kakaladkarin talaga kitang bruha ka sa impiyerno.’ And they did not take down my account. Oo, sinabi ko sa kaniya. I posted that. ‘Listen or you will regret’ something like that,” aniya.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw

Dagdag pa ni Chong, tinawag pa raw niyang “bitch” si Liza sa ilan sa kaniyang mga interview..

“Hindi ko gagawin ‘to kung hindi ka traydor. ‘Yong pamilya mo, traydor talaga,” pahabol pa niya.

Sa naunang bahagi ng kaniyang panananalita, ibinahagi ni Chong na pinangakuan umano siya ni Liza ng posisyon sa Commission on Elections (Comelec) noong mag-file ng candidacy sa pagkapresidente ang asawa nitong si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Pero sa kasagsagan ng kampanya, “ibinenta” umano siya ng First Lady.

“Hindi na siya sumasagot sa aking mga text. Ineetsa-pwera na niya ako,” aniya.