“Kasama ba sa listahan ang idol mo?”

Inilabas na ng Presidential Communications Office (PCO) ang listahan ng celebrities na magpe-perform daw sa gaganaping “Bagong Pilipinas” kick-off rally nitong Linggo ng hapon, Enero 28, sa Quirino Grandstand.

Base sa Facebook post ng PCO, nanguna sa listahan ng magiging present sa “Bagong Pilipinas” rally ang rapper na si Andrew E, kilalang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng UniTeam mula noong 2022 national elections.

Kasama rin sa celebrities na makikisaya raw sa kick-off rally ang mga sumusunod:

National

200,000 tagasuporta, inaasahang dadalo sa 'Bagong Pilipinas' kick-off rally

  • Jose Manalo at Wally Bayola
  • Rita Daniela
  • Aegis
  • Ronnie Liang
  • Agsunta
  • Skusta Clee
  • Ken Chan
  • Geneva Cruz
  • Florante
  • Plethora
  • 4th Impact
  • Poppert Bernadas
  • Julia Serad
  • Princess Vire

Ayon sa PCO, magsisimula ang kick-off rally dakong 2:00 ng hapon, kung saan 200,000 mga taga-suporta ng administrasyon daw ang inaasahang dadalo.

Kamakailan lamang, inihayag ng PCO na ilalahad daw ng pamahalaan ang ilan sa kanilang “major services” sa naturang kick-off rally.

Samantala, nagpahayag naman si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares ng hindi pagsang-ayon sa isasagawang pagtitipon dahil sayang lamang daw ang pera ng taumbayan dito.

https://balita.net.ph/2024/01/27/bagong-pilipinas-rally-sayang-lang-sa-pera-ng-taumbayan-colmenares/