Gusto mo bang makita at maranasan muli ang ganda at lamig ng Baguio City, pero tingin mo ay napuntahan mo na lahat ng tourist spots doon, tulad ng Burnham Park, Mines View Park, at iba pa?

Worry no more! Narito ang ilang “not-so-usual” tourist spots sa City of Pines na maaaring hindi mo pa napuntahan, pero hindi mo pagsisihang bisitahin sa iyong susunod na Baguio trip.

Mirador Heritage and Eco Park

Courtesy: Mirador Jesuit Villa/website

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Kung gusto mong magkaroon ng quality time for yourself or loved ones, o ‘di kaya nama’y mapalapit sa nature at ma-witness ang breathtaking view ng Baguio, perfect ang lugar na ito para sa’yo.

Makikita sa Mirador Heritage and Eco-Spirituality Park ang Mirador Hill and Eco Park, ang limang ektaryang parke na may iba’t ibang sections at attractions para sa mga turista. Nasa mataas itong lugar kaya’t maaari mong makita ang view ng buong City of Pines. Bukod dito, maaari mo ring puntahan ang Lourdes Grotto at kanilang retreat house para mas mapalapit sa Panginoon, sa iyong inner self at/o mga mahal sa buhay.

Matatagpuan ito sa Mirador Hill, Baguio City. Maaaring bisitahin ang kanilang website para sa kanilang entrance fees at iba pang detalye.

Bamboo Sanctuary sa St. Francis Xavier Seminary Bamboo Educational Demo Farm

Courtesy: Jasmin Calderon Esquivel via MB/file photo

Did you know na pwede kang makarating sa Japan dahil sa pagpunta sa Baguio? Paano? Sa pamamagitan ng pagpasyal sa St. Francis Xavier Seminary Bamboo Educational Demo Farm!Ang Bamboo Sanctuary sa St. Francis Xavier Seminary Bamboo Educational Demo Farm ang tinaguriang “Little Kyoto” sa Baguio. Ito ay dahil sa tila kapareho at picture-perfect na view ng mga kawayan dito. 

Matatagpuan ang Bamboo Sanctuary sa Liteng, Pacdal, Baguio City.

Paintball Republic Extreme Outdoor Adventure Park 

MB file photo

Gusto mo bang i-enjoy ang outdoor activities with your “gang” habang napalilibutan ng refreshing pine trees ng Baguio? Kung oo, maaaring ito ang go-to spot for you!

Available sa Paintball Republic Extreme Outdoor Adventure Park ang enjoyable activities tulad ng “paintball battle,” “zipline and rappelling,” at “airsoft target shooting.” Pwede ito for kids at mga young or not-so-young at heart!

Matatagpuan ang Paintball Republic sa Camp John Hay, Baguio City. Maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page para sa presyo ng kanilang ino-offer at iba pang detalye.

Maryknoll Ecological Sanctuary

Courtesy: City Government of Baguio/website

Peace and serenity. Ito ang ilan sa mga for sure na mararamdaman mo sa pagbisita sa Maryknoll Ecological Sanctuary.

Bukod sa ganda ng kalikasan, dinadala ng lugar na ito ang mga bisita sa isang paglalakbay na naghahayag sa 14 stations ng evolution ng universe. Perfect place din ito para magnilay-nilay at pansamantalang tumigil sa gitna ng mabilis na pagtakbo ng oras.

Matatagpuan ang Maryknoll Ecological Sanctuary sa Santo Tomas Rd, Baguio City. Maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page para sa iba pang detalye.

Tam-awan Village

Courtesy: Tam-awan Village/website

Kung gusto mong mas ma-appreciate ang culture at arts habang namamangha sa ganda ng inang kalikasan, ito ang para sa’yo.

Kilala rin bilang “garden in the sky” at “colony of the artists,” ang Tam-awan Village ay isang lugar na puno ng sining. Masasaksihan dito ang iba’t ibang mga painting at drawing ng ilang well-known artists. Makikita rin dito ang charming collection ng mga kubo na orihinal daw na nagmula sa iba’t ibang probinsya sa Cordillera. Pinarerentahan din nila sa mga turista ang native huts para maramdaman daw ng mga ito kung paano nabuhay ang ating mga ninuno.

Matatagpuan ang Tam-awan Village sa Pinsao Proper, Baguio City. Maaaring bisitahin ang kanilang website para sa iba pang detalye.