Mas lumakas pa ang epekto ng northeast monsoon o malamig na hanging amihan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Enero 27.

Sa Public Weather Forecast ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Daniel James Villamil na sa susunod na 24 oras ay mararanasan ng bansa ang epekto ng malamig na hanging amihan.

Kaugnay nito, malaki raw ang tsansang magdala ang amihan ng maulap na kalangitan na may katamtamang pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental.

Bukod dito, posible umanong makaranas ng medyo maulap hanggang maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil din sa amihan.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Wala namang matinding epekto ang mga magiging pag-ulan sa naturang mga lugar.

Samantala, inihayag ng PAGASA na wala itong minomonitor na alinmang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob man o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).