Naitala ngayong Sabado, Enero 27, ang pinakamalamig na temperatura sa Metro Manila para sa taong 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa monitoring ng PAGASA nitong Sabado ng umaga, naranasan ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila sa taong ito na 19.9°C sa Science Garden, Quezon City.

Mas mababa ito sa naitalang 20.2°C noong Enero 14 sa Science Garden.

Samantala, naranasan ang pinakamalamig na umaga ngayong Sabado sa Baguio City na umabot sa 9.8°C.

Probinsya

Lalo pang lumamig: 9.8°C, naitala sa Baguio City

Ayon sa PAGASA, ang naturang pagbaba ng temperatura sa ilang bahagi ng bansa ay dahil umano sa lalo pang lumakas na epekto sa bansa ng northeast monsoon o amihan na nagdadala ng malamig na hangin mula sa Siberia.

https://balita.net.ph/2024/01/27/epekto-ng-amihan-sa-bansa-lumakas-pa-pagasa/