Positibo ang singer na si Jake Zyrus para sa taong 2024 at kinakalimutan na raw niya kung anuman ang mga tsismis at intrigang ibinato sa kaniya sa nagdaang taon.

Aniya sa kaniyang latest Instagram post nitong Biyernes, Enero 26, "This year is for me, for the people who truly know me and to the people who support and love me. No longer space for drama, just love and music. Leaving the ugly rumors & noises to 2023. I love you guys! Cheers to a new beginning and to 2024."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

View this post on Instagram

A post shared by ᴊᴀᴋᴇ ᴢʏʀᴜs (@jakezyrusmusic)

Ito na ulit ang pag-update ni Jake sa kaniyang Instagram account dahil ang huling post niya ay noon pang July 2023.

Matatandaang inulan ng iba't ibang isyu patungkol sa kaniyang career at pamilya si Jake matapos daw na hindi magparamdam sa kaniyang inang si Raquel Pempengco, kahit na ilan sa mga miyembro ng kaniyang mga kamag-anak ay pumanaw na at nangailangan ng pinansiyal na suporta.

Naging usap-usapan din ang panayam ni Morly Alinio sa kaniyang ina sa YouTube channel nito.

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, hihintayin ng nanay bumalik hangga’t may hininga pa

MAKI-BALITA: Jake Zyrus, wala raw paramdam? Raquel Pempengco, humingi ng tulong para sa namatay na nanay, kapatid

MAKI-BALITA: Isa pang tito ni Jake Zyrus, pumanaw na; apela ni Mommy Raquel sa anak, ‘Paramdam ka naman!’

MAKI-BALITA: Utol ni Jake Zyrus, nagka-mild stroke; inang si Raquel Pempengco, nananawagan ulit ng tulong sa anak

Magiging aktibo na kaya ulit sa showbiz si Jake sa pagpasok ng 2024? Abangan!