Nasa 200,000 taga-suporta inaasahang dadalo sa Bagong Pilipinas kick-off rally sa Quirino grandstand sa Maynila sa Linggo, Enero 28.

Ito ang pahayag ni Presidential Communication Office Director Cris Villonco sa pulong balitaan nitong Sabado at sinabing mag-uumpisa ang programa dakong 1:00 ng hapon.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ang naturang rally aniya ay panawagan sa mga Pinoy na makilahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan upang umunlad pa ang Pilipinas.

“It is to remind ourselves, to remind the Filipino, and to transform the Filipino with Filipino pride sa isip, sa salita at sa gawa,” pahayag ng opisyal sa panayam sa telebisyon.

Hindi rin aniya mawawala sa pagtitipon ang entertainment programs, tampok ang Pinoy rock band na Aegis, kasama si Andrew E. at iba pa.