Hindi apektado ng nangyaring nakawan ng mga plaka ang operasyon ng Plate Making Plant ng Land Transportation Office (LTO) Main Office sa Quezon City.

Ito ang tiniyak ni LTO chief Vigor Mendoza II sa panayam sa radyo nitong Biyernes at sinabing hinigpitan na nila ang pagbabantay sa nasabing planta upang hindi na maulit ang insidente.

Dinoble na rin aniya nila ang bilang ng mga nagbabantay sa lugar, gayundin ang mga closed-circuit television (CCTV) camera nito.

Kaugnay nito, nilinaw ni Mendoza na wala nang backlog sa plaka ng motor vehicle at gumagawa na rin ng paraan ang ahensya upang matugunan ang backlog na 10.4 milyong plaka ng mga motorsiklo.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Matatandaang inaresto ng pulisya ang tatlong empleyado ng LTO matapos maaktuhan ng security guard habang ipinupuslit ang limang plaka ng sasakyan mula sa planta nitong Huwebes ng tanghali.