Tuluyan na raw nalagpasan ng “Black Rider” ni Kapuso star Ruru Madrid ang rating ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Kapamilya star Coco Martin.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Enero 26, tinalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa balitang ito.

Pinagsasabong daw kasi ng fans ang dalawang lead actor lalo na nang ilabas ng GMA News ang datos ng NUTAM People Ratings kamakailan kung saan makikita ang agwat ng “Black Rider” sa “Batang Quiapo”.

“According kahapon, January 24, ‘yong…mga datos-datos…na lumamang siya [si Ruru]. 12. 5 si Ruru tapos 12.2 naman si Coco,” lahad ni Romel. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero buwelta ni Cristy: “Lahat sila ay gusto nating magtagumpay. Pero magpakatotoo naman po tayo. Ang isang araw, dalawang araw, tatlong araw na paglamang na point lang naman… huwag naman po natin agad na yakap-yakapin.”

“Coco Martin is Coco Martin. Alam naman po natin ang sikmura, bituka, at puso ng publiko ay na kay Coco Martin at pinaghihirapan nila talaga itong ‘Batang Quiapo’. Kaya kung sakali man po na lumamang, good for them,” aniya.

Dagdag pa niya: “Pero naman, ‘wag pagsabungin. Kumbaga sa manok, Diyos ko naman! Kumbaga sa boksingero, ano ba si Ruru kumpara naman kay Coco, ‘di ba? Mismatch naman.”

Samantala, sa isang panayam, ibinahagi ni Ruru na minsan na raw silang nagka-encounter ni Coco sa isang event.

MAKI-BALITA: Ruru Madrid nakausap ang makakasalpukang si Coco Martin

Matatandaang inamin din ng Kapuso star na kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niya raw makabakbakan ang kasalpukang lead actor.

MAKI-BALITA: Ruru, bet ‘makipagbakbakan’ kay Coco