Nanawagan na si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mamagitan sa usapin sa pagitan ng Senado at Kamara na nag-ugat sa isinusulong na People's Initiative para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.

Ikinatwiran ng senador sa isang radio interview nitong Biyernes, nakaaapekto na sa trabaho ng lehislatura ang usapin kaya't dapat nang pahintuin ng Pangulo ang nasabing hakbang ng Kamara na pinamumunuan House Speaker Martin Romualdez.

Manunumbalik aniya ang magandang relasyon ng Senado at Kamara sakaling makialam ang Pangulo sa usapin.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nilinaw din ni Pimentel, sinusuportahan ng 22 senador ang administrasyon, lalo na sa mga legislative agenda ng punong ehekutibo.

Matatandaang naglabas ng manifesto ang Senado kamakailan kung saan tinututulan ng 24 senador ang naturang hakbang na nahahaluan umano ng panunuhol at iba pang ilegal na gawain upang maisulong ang Charter Change (Cha-cha).