Hindi pa kailangang magpiyansa ng dalawang overseas Filipino worker (OFW) na iniimbestigahan ng mga awtoridad kaugnay ng pagkamatay ng mag-asawang Japanese kamakailan.

Ito ang reaksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sinabing wala pang naisampang kaso laban sa dalawang Pinoy.

Nilinaw ni DFA Undersecretary For Migrant Workers Eduardo De Vega, nasa kustodiya muna ng mga awtoridad ang dalawang OFW 

na sina Hazel Ann Baguisa Morales at Bryan Jefferson Lising dela Cruz habang iniimbestigahan kung may kinalaman sila sa insidente.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nangako ang DFA na handa nilang tulungan ang dalawa sakaling sampahan sila ng kaso.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ng mag-asawang sina Norihiro Takahashi, 55, at Kimie, 52, na tadtad ng saksak sa kanilang banyo kamakailan.

Naunang inaresto ng pulisya si Morales nitong Enero 16 matapos mahagip ng closed-circuit television camera na palayo ito sa pinangyarihan ng krimen.

Inaresto rin ng pulisya si Dela Cruz dahil kakilala umano nito si Morales.

Itinanggi na ni Morales na may kinalaman ito sa krimen.