Binabatikos ng ilang mga netizen ang social media personality na si Antonette Gail Del Rosario, partner ng kapwa social media personality na si Whamos Cruz, matapos daw ang pagsayaw niya nang seksi sa first birthday party ng kanilang anak na si Baby Meteor, na ginanap sa Okada Manila.

Bonggang-bongga nga ang naging birthday party ng anak dahil sa kanilang mga pasabog, pa-raffle, at performance ng mga miyembro ng pamilya, kabilang na ang mga magulang ng bata na sina Whamos at Antonette Gail.

Hindi naman nagustuhan ng maraming netizens ang sexy dance performance ni Antonette Gail dahil hindi naman daw ito birthday ng isang adult, bakit daw ganoon ang klase ng performance na ibinigay niya?

Para sa ilan, maituturing na "wala sa lugar" at "malaswa" ang nabanggit na performance lalo't isa raw itong children party.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kaniyang Facebook post, tila wafakels naman si Antonette sa ebas ng bashers.

"Ang dami niyong pinoproblema, basta kami masaya kami at nairaos namin yung birthday ng anak namin♥️ kami ang masusunod kung ano ang gusto namin gawin first of all own money namin yun pinaghirapan namin yun, magsalita ka kapag may hiningi kami sayo. okay?🤭," aniya.

"lahat nalang pinoproblema niyo lahat nalang ginagawan niyo ng issue. kaya hindi talaga umaasenso mga tao sa pinas eh, mas inuuna makialam sa problema ng iba bago unahin sarili."

"2024 na ganyan padin mindset niyo?🫣"

Ibinahagi pa niya sa Facebook post ang video ng kaniyang actual performance gayundin ang rehearsal nila.

Samantala, maging ang social media influencer na si Christian Merck Grey ay napakomentong nagmistulang "Cruz Got Talent" daw ang naging birthday party ni Baby Meteor.