Kinuwestiyon ni Vice President Sara Duterte kung bakit umaano inaatake ni House Speaker Martin Romualdez ang mga “kaalyado” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, Enero 24, tinanong si Duterte kung ano ang kasalukuyan nilang relasyon ni Romualdez.

“Sa tingin mo, kumusta kaya ang relasyon naming dalawa?” pabirong unang sagot ng bise presidente.

“The very best description and comment kung ano ang relasyon namin ni Speaker Martin Romualdez is galing kay Senator Imee Marcos. Marami ang hindi nakakaintindi kung bakit inaatake mo ang kaalyado ng administrasyon,” saad pa ni Duterte.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Matatandaang inamin ni Senador Marcos kamakailan na masama raw ang loob ni Romualdez sa kaniya mula noong idineklara niya ang kaniyang sarili bilang “pro-Duterte” at nais niyang isalba ang UniTeam.

“Bakit tayo nakikipag-away? Hindi naman [sila] nakikipag-away. Ang tapang-tapang nga ng mga Duterte, pero hindi naman tayo tinatapangan. Talagang mababait sa ‘tin. Ano bang problema?” ani Sen. Marcos kamakailan.

Pinasalamatan naman ng bise presidente ang naturang pagdepensa ng senador sa kanilang pamilya.

MAKI-BALITA: VP Sara nang depensahan ni Sen. Imee ang pamilya Duterte: ‘Prinsipyo lang ang meron kami’

Samantala, sa naturang panayam nitong Miyerkules ay sinabi rin ni Duterte na walang kinalaman ang isyu nila ni Romualdez sa naging pag-anunsyo niyang tatakbo siya sa susunod na eleksyon.

“Hindi ako maka-speculate kung anong iniisip ni Speaker Martin Romualdez. Hindi ko siya kilala nang malalim. Hindi malalim ‘yong pagkakaibigan namin para maka-speculate ako,” ani Duterte.

MAKI-BALITA: Anong posisyon? VP Sara, muling tatakbo sa susunod na eleksyon

Matatandaang isa sa mga pinagmulan ng tila tensiyon sa pagitan ni Romualdez at mga Duterte ay ang naging desisyon ng Kamara kamakailan na alisin ang confidential funds ng limang mga ahensya ng gobyerno, kabilang na ang mga tanggapan ni VP Sara na Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), para ilipat umano sa mga ahensyang dumidipensa sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at nakatutok sa “peace and order” ng bansa.

MAKI-BALITA: Confidential funds ng 5 gov’t agencies, inalis ng Kamara – Quimbo 

Pagkatapos ng naturang desisyon ng Kamara, pinatutsadahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Romualdez at sinabing magde-demand daw siya ng audit kung paano nito ginastos ang pondo ng publiko kapag tumakbo raw ito bilang pangulo ng bansa sa susunod na eleksyon.

Tinawag din ng dating pangulo ang Kongreso bilang “most rotten institution” sa bansa.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Rodrigo Duterte, magde-demand ng audit ‘pag tumakbo bilang Pangulo si Romualdez

Nangako naman si Romualdez noong Nobyembre 6, 2023 na titindig siya at lalabanan ang naninira at nananakot umano sa Kamara.

MAKI-BALITA: ‘Titindig ako!’ Romualdez, nangakong lalabanan umaatake sa Kamara