Hindi pinalagpas ng Kapuso comedy star na si Pokwang ang mga netizen na "nang-away" at pinagsabihan siyang gayahin niya ang aktres na si Ruffa Gutierrez pagdating sa kaniyang anak na si Malia.

Ayon sa ilang mga netizen, sana raw ay gayahin ni Pokwang si Ruffa na hindi "nilason" ang isip ng mga anak para pagmukhaing masama ang dating mister na Turkish national na si Ylmaz Bektaz na mas grabe pa raw ang ginawa sa huli.

Giit naman daw ni Pokwang, huwag silang ipagkumpara ni Ruffa dahil sa hitsura pa lang ay lamang na lamang na ang huli sa ganda. Magkaiba rin aniya sila ng pain at pinagdaanan.

"Well hindi ako si Ruffa magkaiba kami sa itsura [pa lang] maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc. so hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito sya ok? Magkaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan at pinagdaraanan wala kayong alam," aniya sa kaniyang X post noong Enero 23, 2024.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Photo courtesy: Screenshot from Pokwang (X)

Photo courtesy: Screenshot from Pokwang (X)

Sunod, sinabi ni Pokwang na hindi raw niya ginagatungan ang anak, dahil kung may pabaya man at may pagkukulang, ang tatay raw nitong si Lee O'Brian.

Hindi rin daw matatahimik si Pokwang hangga't nasa bansa pa si Lee, na napaulat na inatasan nang umalis ng bansa ayon sa desisyon ng korte.