Usap-usapan ang naging komento ni Queen of All Media Kris Aquino sa isang nagngangalang "Cristine" na nagbigay naman ng reaksiyon sa kaniyang health update sa Instagram kamakailan.

"Love you madam! be well (heart emoji). we are all praying for you!" komento sa kaniya nito.

Tugon ni Kris, kailangan na raw magtrabaho ng bunsong anak na si Bimby Aquino Yap na tatawaging "Bimb."

"@cristine bimb might go home after my birthday. He needs to work because my medical bills are already getting higher & higher. But Tin, the stage mom is already saying NO to a name change. He'll stay as Bimb. No last lame, like Drake."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Photo courtesy: Fashion Pulis

Makikita ang screenshot ng komento ni Kris sa page ng "Fashion Pulis."

Matatandaang minsan nang napabalitang papasukin na nang tuluyan ni Bimb ang mundo ng pag-arte, at ang isa sa mga tutulong sa kaniya ay ang ninong at matalik na kaibigan ng ina na si Asia's King of Talk Boy Abunda.

"Pero noong Hulyo 5, 2023, nilinaw ni Boy na hindi pa pumipirma ng kontrata si Bimb upang ganap na mag-artista.

MAKI-BALITA: Boy Abunda, may nilinaw hinggil sa usap-usapang pagpasok ni Bimby sa showbiz

Hindi na bago kay Bimb ang pag-arte pero matagal na ito matapos makasama sa pelikulang "My Little Bossing" nina Kris Aquino, Vic Sotto, at Ryzza Mae Dizon.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa "stage mom" na si Kris kung totoo bang tuluyan nang papasukin ni Bimb ang pag-aartista, at kung anong talent agency ang hahawak sa career nito.