Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental, habang magnitude 4.1 naman sa Surigao del Sur nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol.

Yumanig daw ang magnitude 4.2 sa Davao Occidental dakong 2:21 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 277 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 501 kilometro.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, nangyari ang magnitude 4.1 na lindol dakong 3:57 ng madaling araw.

Namataan naman ang epicenter nito 65 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng dalawang lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang mga nasabing pagyanig.