May inamin ang Kapuso actress na si Kylie Padilla nang usisain siya ng isang gym coach/content creator patungkol sa tanong din ng mga netizen at fans sa kaniya.

Curious kasi ang mga netizen kung sino ang "mystery man" na naispatang kasa-kasama ni Kylie habang nasa isang mall kamakailan.

MAKI-BALITA: Gym coach o jowa? Kasamang lalaki ni Kylie sa shopping, sinisino ng netizens

"So hayun na nga. Meron akong itatanong. Nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila eh. Sino ba ‘yong kasama mo sa mall, ‘yong nakaputi..."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Ay 'yon ba? 'Yon?" kunwari ay "pabebeng" sagot ni Kylie.

"'Yong nakaputi, 'yong long hair?” muling tanong ni Coach Francis Simon.

"Ah, ‘yon ba? ‘Yong nagpapasaya sa puso ko. ‘Yon ‘yon," simpleng sagot ni Kylie.

"Kilala ko ba 'yon?" hirit pa ng nagtanong na coach.

"Ay, parang kilala mo kuya, parang kamukha mo nga eh," hirit pa ni Kylie.

"Gano'n ba? O hayan na nga, alam n'yo na kung sino 'yon ha. See you,” saad sa dulo ng coach.

Sinasabing kapatid daw ni Coach Francis ang mystery man ni Kylie na kinilalang si Jinno John Simon, isang tattoo artist.

Matatandaang noong 2021, isa sa mga kontrobersiyal na pinag-usapan ay hiwalayan nina Kylie at estranged husband na si Aljur Abrenica.

MAKI-BALITA: Kylie, mas nauna raw ‘nangaliwa’ kaysa kay Aljur?

MAKI-BALITA: Sino nga kaya ang ‘boylet’ ni Kylie Padilla? Netizens, may hula na!

Si Aljur at ang karelasyon nitong si AJ Raval ay nauna nang magkaroon ng "soft launch."