CAMP CIRILO S. TOLENTINO BALANGA, CITY - Tatlo ang nasawi at 26 ang naiulat na nasugatan matapos araruhin ng isang pampasaherong bus ang limang sasakyan sa Dinalupihan, Bataan nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Camille Isidro, 25, at binawian naman ng buhay sa ospital ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki dahil sa matinding pinsala sa kani-kanilang katawan.

Isinugod din sa pagamutan ang 26 na nasaugatan sa insidente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa imbestgasyon ng mga awtoridad, dakong 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Olongapo-Gapan Road, Brgy. Bangal, Dinalupihan.

Patungo na sana sa Olongapo ang bus na minamaneho ni Edwin Sandoval at binabagtas ang naturang lugar nang biglang mawalan ng preno at inararo ang mga nakasalubong na limang sasakyan.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, at damage to property.