Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kagitingan at kabayanihan ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2025 dahil sa pagmamahal sa bayan.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulo matapos dumalo sa paggunita ng ika-9 na anibersaryo ng kabayanihan ng 44 na pulis sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp Gen. Mariano, Castañeda, Silang, Cavite nitong Huwebes ng umaga.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“Huwag nating pababayaan ang kapayapaan na kanilang ipinaglaban. Sa pagpupugay sa SAF 44, patuloy tayong magsisikap tungo sa isang Bagong Pilipinas” ani Marcos.

Paliwanag ni Marcos, maibibigay lamang ang pagpupugay sa naging sakripisyo ng SAF 44 sa pamamagitan ng walang kapagurang pagtatrabaho upang maibigay ang pangarap sa kanilang pamilya, mga mahal sa buhay, kasamahan at sa taumbayan.

“It is now up to us, who lived, who benefitted from their full measure of devotion to duty, to build a kinder and gentler society, wherein those they have left behind can live in peace and prosperity. That is the mission they have left us to pursue when they did not return from their last patrol," anang punong ehekutibo.

"In their last hours, in that place of honor, we can draw many important lessons. The lesson such as to put nation before self. To display courage under fire. To resolve to forge ahead. To never give up. We would also be disrespecting their memory if we give quarters to those who terrorize our people,” pahabol pa ng Pangulo.

Matatandaang nasawi ang 44 na miyembro ng elite unit ng PNP sa naganap na police operation sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Nagtagumpay ang operasyong tinawag na "Oplan Exodus" nang mapatay si Malaysian bomb maker, Jemaah Islamiyah leader Zulkifli Bin Hir, alyas "Marwan."

Gayunman, napatay ang 44 na miyembro ng SAF matapos tambangan ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at iba pang armadong grupo.